Monday, August 2, 2010




It's a beautiful song.




Ngayon (ang realidad)









Hindi ito pelikula.




At lalong hindi ako bida. Totoo ang dugo na umaagos sa dibdib ko. At pilit kong hinahabol ang aking hininga na para akong tumakbo ng buong araw.


Hanggang dito na lang ba ako? Siguro nga ito na ang katapusan ko.


Kung hindi ba naman ako tanga para umastang superhero.




Bakit ko nga naman hahabulin yung lokong snatcher yun. Ano bang gagawin ko kung sakaling nahuli ko siya?


Wala?! E di naman ako marunong mag karate. Ang alam ko lang e tumakbo sa tuwing alam kong may mang-aaway sa akin. Takot kaya ako sa bulate.




Ano? pagsasabihan ko sya???


... na kasalanan nyang ipinanganak na mahirap.


... O dahil sa naging makitid ang utak nya na walang naiisip kundi magnakaw na lang?


Heto ako ngayon. Isang kaawa awang eksena sa iba, isang magandang balita sa mga reporter at di malaon, isang kumikitang kabuhayan sa may ari ng funeraria.


Mula sa lugar kung saan ako bumagsak, samu't saring tinig ang naririnig ko. Ni hindi ko nga kilala kung kani kanino na lang. Tapos parang naririnig kong tumutugtog ang theme song ng paborito kong koreana novela (full house).


Ito na nga yata iyon.


Grabe!




Nagsigawan ang mga tao ng bigla akong undayan ng suntok at sundan ng saksak sa dibdib ng snatcher na hinabol ko. Parang bumagal ang pag inog ng mundo ng oras ng iyon.




Nung una, mainit. Mainit ang sugat na nilikha ng kutsilyong tumarak sa dibdib ko. Maya maya pa nanlalamig na ang buong katawan ko.




Siguro, talagang abnormal ako at kahit mamatay na ako, kung anu ano pa rin ang nasa isip ko.


Sana, bago man lang ako mawala makita ko siya, ang babae sa panaginip ko. Parang sa mga pelikula, habang ako'y sugatan, makikita ko syang tumatakbo palapit sa akin. Sinisigaw ang pangalan ko, tapos biglang mag slow motion. Yayakapin nya ako at iiyak siya.


Parang ganitong eksena:













Unang Tagpo (nasa piling niya ako, duguan dahil sa pakikipaglaban sa isang libong Transaction Paper Monsters at mga zombing tumatakbo na sumisigaw ng "brains")

Ako: Uggh! mukhang di na ako magtatagal (sabay uubo at susuka ng dugo).





Siya: Hindi! Huwag mong sabihin yan. (yayakap) Di ba sabi mo di mo ako iiwan?! Na lagi kang nandito sa tabi ko?!






Ako: Patawad, na kahit sa huling pagkakataon, di ko matutupad ang pangako ko. ughhh! (mas maraming dugo). Ingatan mo ang mga anak natin...






Siya: Huwag kang magsalita ng ganyan, wala tayong anak at di tayo mag asawa. (iiyak ng mas malakas)






Ako: Oo nga pala! Pambihira, pagbigyan mo naman ako, mamamatay na nga yung tao, ayaw mo pang pagbigyan.








Siya: O sige, pero kailangan mong mabuhay para sa akin at sa kanila... (hikbi)

Ako: Patawad, Paalam na mahal ko.... (abangan bukas)

(ngayon na lang pala)






At nalagot ang hininga ni Ako, pero dahil sa wagas na pag-ibig ni Siya. Dumating ang isang Fairy at binigyan ng isang kahilingan si Siya.








Fairy: Mahal kong anak, dahil sa busilak ang iyong puso, bibigyan kita ng isang kahilingan.








Siya: Maaari mo bang buhayin ang mahal kong si Ako para makasama ko siya habambuhay... At bigyan mo rin kami na bahay at lupa, at maging kasing yaman ni Bill Gates?...






Fairy: (napakamot ng ulo) Ah. teka mali yatang kwento ang napuntahan ko, pasensya ka na hija, may miting pa ako with the baranggay council eh. See you later.






(at bigla syang naglahong parang bula, abangan sa susunod na kwento...kung meron pa)












Pero wala namang ganun sa totoong buhay.


Walang Fairies,
Walang Zombies at
Walang wagas na pag-ibig ni Siya.




Napaidlip akong saglit at ang sumunod na eksena ay nasa isang ambulansya na ako. Mabuti na lang di pa ito ambulansya ng funeraria.















Kanina




Kanina ang isa sa pinakamagandang araw ng buhay ko. Maaga akong nagising. Sabi ko (sa isang million pagkakataon) na gagawin ko na mga New Years resolution ko. Jackpot! Nagawa ko pa naman ang ilan kaninang umaga.


# 1- magising sa tunog ng alarm.
# 2- kumain ng agahan.
# 3- (actually pinag iisipan ko pa talaga kung kasama to eh) - maligo sa umaga kahit malamig.
# 4- Tumigil na sa pang-aasar sa mga aso ng kapit bahay... nyahahaha!


Pag dating sa opisina, sinalubong agad ako ng mga kaopisina kong akala mo kung sino umasta. E wala namang ibang alam gawin kundi magbudbod ng harina sa mukha hanggang sa magmukhang espasol.


Hay! buhay. (buntong-hininga)


"Hoy! mga unggoy, balik sa trabaho!"


Kung pwede ko lang sana silang sigawan ng ganun. Pero hindi ko gagawin yun. Good boy daw ako sabi ng boss ko. Okie! good boy na kung good boy. Ako lang naman ang kaya nilang utuin na bumalik sa opisina kahit walang pasok.


Pero kanina, maaga akong pinauwi. Mag graveyard shift daw ako. Bigla ko tuloy naisip, sorry boss, di ako pwede mag graveyard shift. Kasi baka mamaya o bukas nasa graveyard na ako kasama ng mga multong ginawa ko mula nung bata pa ako.


Its a beautiful morning.


Habang papauwi ako kaninang umaga, nakita ko rin ang multong pilit kong iniiwasan sa matagal na panahon. Pero tulad ng mga multo sa ilalim ng papag ko, hindi siya mawala sa isip ko. Naging bahagi na ito ng sistema ko.


Si Siya, isang kaibigang hinangaan sa mahabang panahon. Tulad ng sa maraming kwento, galing siya sa mayamang pamilya at ako nama'y isang guwapong (yuck! kapal) hampas lupa lang.


Hindi ko maintindihan kasi hindi naman siya super ganda pero ang lakas ng dating niya sa akin.Mayroon siyang kakaibang karisma na habang nakatingin ako sa kanya, lalong nahuhulog ang loob ko. Kung may isang pangalang gusto kong itawag sa kanya, yun ay 'Precious" --- because she is.


At saka ko sasabihing, "my Precious" Gollum??? O.o


Gusto ko na siya simula pa lang ng una ko siyang makita. Mukha nga lang mataray at mahirap lapitan sa una, pero kung makikilala mo lang siya, hay naku, siya ang prinsesa ng kababawan (pero hindi sya non sense).


Pero hindi dahil dun kung kaya't special Siya. Special siya kasi special siya.


Siguro, I just learned to love everything about her.


Hindi ko nga iniisip na magkakakilala kami, or at least makikilala nya ako (kasi kilala ko na siya sa pangalan). Tama na sa akin dati yung maging isang tangahanga. Sadya nga lang mapagbiro ang panahon at naging magkakilala kami - at di naglaon, naging magkaibigan - at lumaon, magkaibigan pa rin.


Naging makulay din ang ilang panahong magkasama kami. Sa panahon ng pagtawa - pagluha, .Naging panatag akong kasama siya. Kapag kasama ko Siya, parang feeling ko kayang kong gawin lahat --- para kay Siya. Isang bagay na hindi ko kayang gawin kahit sabihin nya ay ang huwag mag alala (at kung sabihin nya ng kalimutan).


I wish I can get a little closer to her, but there's a huge wall that separates us. Sa palagay ko mahal ko na siya. Ang malungkot nga lang dun, ni hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano sya kahalaga sa akin. At mukhang di ko na masasabi sa kanya.


Ilang buwan din kaming hindi nagkita at nagkausap sa dahilang di rin namin alam. Basta bigla na lang ganun at alam kong mas mabuti na rin iyon. Mas mahihirapan lang ako pag lumalim pa lalo ang pagtingin ko sa kanya.


Pagbaba ko sa bus, nakita ko siya sa kabila ng kalsada. Gusto ko siyang tawagin kaya lang kinuha niya ang kanyang cellphone at tumawag. Inantay kong tumunog ang cellphone ko baka sakaling ako yung tatawagan niya. Pero hindi nag ring. Sa malayo, nakatingin ako habang pinapanood siyang pilit na tumatawag sa isang number na tila di nya makontak. Naghintay pa ako ng ilang saglit baka sakaling isa sa mga na itext nya ako.


Pero, walang ring --- walang beep --- walang tut tot --- walang ♫damn all these beautiful girls♫ nyahaha yun iyong ringtone ko.


Teka, sino nga ba ako para maalala niya? E di si Ako! Minsan naiisip ko, kahit minsan ba naging mahalaga ako kay Siya?


Siguro.
Baka.
Baka sakali sana.
(Asa ka pa =P)




Pero sabi ko, kahit ano namang mangyari, kahit di ko nasabi sa kanya - at least naipadama ko sa kanya kung gaano siya kahalaga. Kung hindi man sya mahalaga sa iba - sa akin man lang ganun Siya.


It's a beautiful world.


Isang mabilis na lalaking tumatakbo ang pumutol sa pag eemote ko. Nagsigawan ang mga taong habulin nyo yung snatcher. Hindi ko alam at parang automatic ang naging tugon ng katawan ko. Nakipaghabulan kami sa snatcher sa palibot ng buong palengke, sa likod ng simbahan, at sa mga parlor kung saan inalok pa ako ng 50% discount ng mga bading at libreng ... massage. Sabi ko, ok yun ha, babalikan ko kayo.


Ewan ko nga lang pero, dumating ang oras na ako na lang ang natirang humahabol. Akala ko sumuko na ang snatcher kaya siya huminto. Hindi ko napansin ng hugutin nya ang isang panaksak sa tagiliran nya.


Nagsigawan ang mga tao ng bigla akong undayan ng suntok at sundan ng saksak sa akin dibdib ng snatcher na hinabol ko.Parang bumagal ang pag inog ng mundo ng oras ng iyon.


Hanggang dito na lang ba ako?




Ngayon Ulet




Tumungin ako sa mga taong nakapalibot sa akin sa ambulansya.
"Magiging maayos din ang lahat". sabi ng isang ale na kasama ko sa sasakyan. Nagpatuloy siya sa pagsasalita pero parang ugong na lang ang naririnig ko.


Ang aleng iyon - Siya yung matandang lagi kong binibilhan ng walng kamatayang puto at kutsinta. Siya lang yung taga dun sa lugar namin na kasama ko sa ambulansya.


Bigla kong naalala ang nanay ko. Siguradong mag-aalala yun pag nalaman nyang may nangyari sa akin.


Ang mga kapatid ko, malulungkot yung mga yun. Wala na kasi silang aabangang sweldo day at hindi na sila mae excite kung anong pasalubong ko (na madalas ay wala).


Ang barkada at kaibigan (mga itinuring kong kapatid mula noon hanggang ngayon) - at ang mga taong nakapaligid sa akin - at silang nakatingin sa akin.


Siguro, marami ring malulungkot pag natuluyan na ako --- lalo na yung mga inutangan ko. Pero hindi naman na mahalaga yun. Wala naman sigurong magbabago kahit malungkot sila to the max dahil wala na ako.


Dati, kapag sobrang dami ng problema, kapag parang sobrang bigat na, parang gusto ko na lang matulog at huwag ng magising. Marami akong frustrations na ako din mismo ang gumawa. Mga tanong na paulit-ulit kong tinatanong at pilit mag-isang hinahanap ang sagot.


Na kung bakit ako (o malamang feeling ko lang)-
ang laging nagbibigay,
ang nagpapaubaya,
ang mali kahit ako ang tama,
ang sumalo ng sakit at problema ng iba,
ang dapat matatag.


ang hindi pwedeng sobrang saya,
ang hindi pwedeng sumuko kahit lahat ay umayaw na,
ang hindi pwedeng malungkot,
ang hindi pwedeng tumawa.
ang hindi pwedeng umiyak kahit gustong-gusto ko na.


ang hindi... teka existing pa ba talaga ako?


Bakit?


Mabuti na lang, nandiyan si lolo para magpaalala sa akin. Wala naman masama sa paggawa ng mabuti, na huwag hanapin ang sarili. At hindi ko malalampasan ang mga problema mag-isa. Nandiyan pa rin ang tinatawag na pamilya, kaibigan, kapatid at higit sa lahat ang Maykapal.


May mga bagay na hindi natin maiintindahan at kahit wala na tayo sa mundong ito, di pa rin natin mauunawaan. Kung hindi man umaayon ang panahon sa iyo, hindi ibig sabihin nun masamang pangyayari na yun. Malamang, hindi lang iyon ang tamang panahon para dun, o hindi yun ang makakabuti para sa iyo.


Lahat ng bagay gumagawa ng magkakalakip para sa ikabubuti ng natatakot sa Maykapal. Kahit papaano pag naiisip ko ito, nagkakaroon ako ng bagong lakas.


Pero...


Marami pa akong gustong gawin - gusto kong sabihin.
Hindi pa ako nagpapasalamat dahil nabuhay ako,
dahil sa mga magandang mundo -
ang mga bulaklak at halaman -
ang dagat at ang hanging kasama ng ulan,
sa mga masasayang alaala ng mga kaibigan.
sa mga taong umuunawa at nagmamahal sa akin.


Hindi pa ako nakakahingi ng tawad dahil sa pagiging anak na matigas ang ulo,
sa pagiging sobrang mapagbiro - mapaglaro - mapagwalang bahala.


Dalhin nyo na lang ako sa bahay namin.


Di ko napansing tuloy-tuloy na ang pagtulo ng luha ko. Sa unang pagkakataon, naramdaman uli ako ng init galing sa mga luha ko. Biglang lumakas ang loob ko at ang determinasyong mabuhay. Sinubukan kong tumayo, pero para akong lantang gulay. Walang lakas ang mga laman ko.


Wala na akong magawa kundi ang manalangin na sana wag muna akong mamatay.


Huwag po muna ngayon...


Pagkatapos nung may isang nakakasilaw na liwanag. Baka ito na yung sinasabi nilang nakaranas ng near-death experience o nung mga malapit ng mamatay. Pero sigurado ako, kung sakaling mamatay man ako, walang San Pedrong may dalang manok na sasalubong sa akin.


Kinabukasan


It's a beautiful thing.


Ito na marahil ang isa sa pinakamasarap na umagang nagising ako. Ang gaan ng pakiramdam ko. Bigla ko na lang nasabing "Salamat Po sa panibagong buhay. Salamt sa pagtupad sa panalangin kong mabuhay pa kahit sandali."


Bigla kong naibaling ang mga mata sa tumpok ng prutas ng side table. Alam kong sa akin yun - lagyan ba naman ng nandudumilat kong pangalan yung basket e. Malaman dala iyon ni nanay. Kasama ng mga ito ang cellphone ko. Bigla tuloy akong nai-excite na mabasa yung laman ng cellphone ko.


*welcome kuya Bokbok* (greetings ng cellphone ko)


153 messages received
read now?


Whaaaat!?


Ganun na siya kadami, in just two days!


Inbox (153)


from Bing
gerald, musta k n? balita ko buhay k p a? malaman, kc nabasa
mo pa txt ko. pagaling ka dude. (ang gandang pambungad, kamote)


from +63....2325
Honey, naubusan ako ng load, load mo naman ako 150 sa
number na ito... (hay, madami talagang ogag sa mundo, kung meron man akong jowa
hindi ko tatawaging honey yun no.)


from Anton
Ge, yung utang mo, bayaran mo na! pero bago yun pagaling ka muna :p


from +63....2323
Tol, sabi ni boss, dahil sa gnawa mong yan, ililipat k n daw nya... sa PNP,
crime buster ka na.. hehehe


from +63...2310
Love is like a river... that flows forever (korni ng text na ito)


from +63....1111
musta n? aalis n aq sa monday pero try naming dalawin ka.


(iniisip kong, sana hindi si Michael Jackson ang nagtext nito, Pag nagkataon, para kang nanood ng MTV ng thriller live (i mean dead version).


Hindi ko alam kung matatawa o matutuwa ako sa mga nabasa ko. Hindi ko makita ang pangalan ng taong hinahanap ko kaya itinigil ko muna ang pagbabasa.


E kung tawagan ko kaya siya. Wag na lang. Bakit pa?


Napansin ko ang isang number, +63....1111, may mga miss calls sya nung araw na naaksidente ako. Bigla kong naisip na posible kayang Siya yun. (tuloy basa text)


from +63....1111
dumaan aq kanina kaya lng tulog k p. gus2 sna ktang mkausap khit sandali. matagal n rin tayong di nagkukwentuhan.


from Kinkong
kuya pagaling k n, kung hindi sa akin na itong bago mong Wii.


from +63....1111
pagaling ka. tc. aalis na aq.


Bigla ko tuloy naisip kung sino yung dumalaw sa akin dito kanina. Mabilis kong iniligid ang paningin ko sa isang silid na puno ng mga taong di ko kilala. Bumibilis ang tibok ng puso ko, parang may magandang mangyayari. Mabilis kong iniligid ang mata sa paligid. Nagbabakasaling makita ko Siya.


Pinutol lang ito ng sumuka ng pagkadamidami ng katabi kong pasyente. Dinig na dinig ng buong silid kung paano siya magtawag ng uwak.


Uwak! Uwak! Habang iniluluwa nya ang lahat ng kinain niya kagabi at kaninang umaga. Para tuloy gusto ko siyang sabayan.


Eeewww.


Kaasar.


Its a really beautiful thing


Reunion ng mga tinamaan. Dahil hindi pa ko masyadong makakain dahil nasa recovery pa lang ako, dinala ako ng mga kaibigan ko sa isang sikat na food chain. Ang galing talaga ng mga kamoteng ito. Alam naman nilang hindi pa ako makakain masyado, dalhin daw ba ako sa favorite food hauz ko T.T


Na miss ko rin ito. Sa mahabang panahon puro trabaho na lang ang inatupag ko. Kahit papaano nagkaroon ako ng mahaba-habang break.


Sila: "Teka, pupunta ba tayo?"


Ako: "Saan?"


Sila: "Sa kasal..."


Ako: "teka, sino bang ikakasal?..."


Sila: "Siya, sinubukan ka niyang kontakin para sa invitation kaya lang.... Di ba kaibigan mo Siya?"


Siguro nabingi lang ako nang marinig ko yun at hindi ko pinansin. Kahit tuloy ayaw kong kumain, napilitan akong isubo pati part ng meal na may sibuyas.


Oo, kaibigan ko Siya.


Nagtinginan silang lahat sa akin. Alam kasi nila na Siya ang special person ko. Biglang natahimik ang lahat. Natapos ang reunion ng tahimik. Hindi nagtagal nagkanya kanya na ng lakad ang bawat isa. Isang sulat ang iniabot nila sa akin bago sila umalis.


Invitation.


Napangiti ako. Hindi pa rin mapakapaniwalang hawak ko ito - ang invitation sa kasal ni Siya.


Pilit kong tinatakasan ang mga flash backs ng nakaraan --- ang unang pagkikita, ang mga conversations, ang unang pagkakataong nakita ko Siyang umiyak (and tried to make things ok, but, I'm just not the right person to do it), ang mga ngiti nya.


Lahat.


Bawat detalye.


Naisip ko na rin na darating ang araw na ito.


Pero kahit anong mangyari, alam kong may mas magandang nakalaan pa sa akin. Maging mabuti o masama - may mabuting gustong ituro ito, kung hindi man para sa akin, para sa mga taong nakapalibot sa akin. Nasa atin na ang pagkakataon para gumawa ng gusto nating gawin. Bakit hindi tayo gumawa ng makabuluhan.